Death March

Death March

Ang Bataan Death March ay ang sapilitang pagpapalakad sa mahigit kumulang 70,000 bilanggo ng digmaan (prisoners of war o POW) na binubuo ng mga Filipino at Amerikano na nadakip ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula noong 9 Abril 1942, ang pagmartsang ito ay nag-umpisa sa Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga (na umabot ng 88 kilometro ang layo), hanggang Capas, Tarlac at muling naglakad ng layong 13 kilometro hanggang matunton ang Himpilang O’Donnell. Tumagal ang pagmamartsang ito ng anim na araw.

Leave a comment